NANGAMBA | Grupo ng mga opisyal ng LGU, nagpahayag ng pangamba sa magkasunod na pagpatay sa 2 Alkalde

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Palasyo ng Malacanang na nagpaabot ng pangamba ang Union of Local Authorities of the Philippines o ULAP kina Interior OIC Secretary Eduardo Ano at Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde patungol sa magkasunod na pagpatay kina Tanauan City Batangas Mayor Antonio Halili at General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ito ang ilan lamang sa napagusapan sa pulong ng ULAP kina Secretary Ano at General Albayalde at ilan pa sa idinulog ng ULAP ay ang kanilang pangamba sa kanilang seguridad dahil pagbabawal sa kanilang mga miyembro na nasa Mindanao na magdala ng baril dahil sa Martial Law.

Inungkat din aniya ng ULAP sa naganap na pulong ang issue ng proseso kung paano maaalis sa Narco List ni Pangulong Duterte.


Nangako naman aniya sina Albayalde at Anon a pagaaralan ang lahat ng ipinarating na concern ng mga miyembro ng ULAP para matugunan ang mga ito sa lalaong madaling panahon.

Facebook Comments