NANGANGAMBA | Deklarasyon ng nationwide martial law, ikinakabahala

Manila, Philippines – Nangangamba si Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na nagbabadya ang deklarasyon ng nationwide martial law sa bansa.

Ito ay kasunod ng utos ni Pangulong Duterte na i-take over ng militar ang Bureau of Customs (BOC) para mabantayang mabuti ang mga kargamentong pumapasok sa bansa bunsod na rin ng mga naipuslit na iligal na droga na isinilid sa magnetic lifters.

Nababahala si Zarate na ang paglagay sa kontrol ng militar sa BOC ay paraan para makahanap ng dahilan para isailalim sa batas militar ang buong bansa.


Giit ni Zarate, nakasaad sa konstitusyon na ang grounds para sa martial law powers ay rebelyon habang sa call out powers naman ay lawless violence.

Hindi aniya pwedeng maging basehan ang kapalpakan at pagpupuslit ng droga sa Customs pati na ang nangyayaring korapsyon sa ahensya.

Maituturing aniyang unconstitutional ito na hindi maaaring gawin ng Pangulo.

Facebook Comments