Misamis Oriental – Nangangamba ang Ecowaste coalition na magdadala ng panganib sa publiko ang bawat araw na lumilipas na nananatili sa Misamis Oriental ang limang libong toneladang basura na galing South Korea.
Ayon sa Ecowaste Coalition, banta sa kalikasan at kalusugan ng publiko ang hindi pa naibabalik ang mga ito sa bansang pinanggalingan.
Iginiit ng grupo na dapat sagutin ng kompanyang Verde Soko ang pagbabalik ng mga basura sa South Korea, tulad ng una nang ipinahayag ng kompanya.
Noong nakaraang linggo, kinalampag ng grupo ang embahada ng South Korea upang ipanawagan ang pagbalik ng basura.
Natanggap na anila ni South Korean Ambassador Han Dong Man ang kanilang liham at naiulat din sa South Koren media ang kanilang hinaing ngunit wala pang tugon hanggang ngayon.