NANGANGAMBA | Imbestigasyon ng Senado ukol sa West Philippine Sea, posibleng makaapekto sa hakbang ng DND

Manila, Philippines – Nangangamba si Senate President Tito Sotto na makaapekto sa mga hakbang ng Department of National Defense (DND) ang isinusulong na imbestigasyon ng Senado ukol sa West Philippine Sea.

Tugon ito ni Sotto sa giit ng opposition senators na busisiin ng Senado ang polisya ng Administrasyong Duterte na may kinalaman sa patuloy na militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Giit ni Sotto, dapat maging maingat sa gagawing pagdinig dahil may mga kilos ang DND na hindi dapat malaman muna ng iba.


Paliwanag ni Sotto, kahit gawing executive session o closed door ang pagdinig ay posibleng may lumabas pa ring impormasyon mula dito at makarating pa sa mga dayuhan.

Facebook Comments