NANGANGAMBA | Libu-libong empleyado, pinangangambahang mawalan ng hanapbuhay sa ilalim ng trabaho bill

Manila, Philippines – Pinangangambahan na marami ang mawawalan ng hanapbuhay bunsod ng panganib na dala ng TRAIN 2 o mas kilala na TRABAHO Bill.

Ayon kina Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, nakaamba ang tanggalan sa trabaho sa pribadong sektor sa oras na maging ganap na batas ang TRAIN 2.

Sa katunayan anila, sa ilalim ng TRABAHO Bill ay may nakapaloob na probisyon kung saan naglaan ng P500 Million cash grant sa mga manggagawang mawawalan ng trabaho at may hiwalay pang P500 Million para naman sa kanilang training.


Ipinatitigil nila de Jesus at Brosas ang paggamit sa mga small at medium enterprises para idepensa ang TRAIN 2.

Dagdag pa ng mga mambabatas, mga malalaking negosyante at mga pinakamayayamang pamilya ang higit na makikinabang sa TRAIN 2.

Iginiit pa ng mga ito na dapat na pangalan ng panukala ay Tanggal Trabaho Bill dahil sa libu-libong posibleng mawalan ng hanapbuhay.

Facebook Comments