NANGANGAMBA | Pagkakatalaga sa Chinese businessman sa gobyerno, makakaapekto sa national security

Manila, Philippines – Nangangamba si Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na makakaapekto sa national security ng bansa ang pagkakatalaga sa Chinese businessman na si Michael Yang bilang economic adviser ni Pangulong Duterte.

Ayon sa kongresista, maaaring makompromiso ang seguridad at independence ng bansa dahil magkakaroon ng access si Yang sa mga sensitibong impormasyon ng pamahalaan.

Mai-impluwensiyahan umano ang economic policies ng gobyerno lalo at may koneksyon si Yang sa Chinese Government na siyang katunggali ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.


Dagdag pa ng kongresista, ang panghihimasok ng isang Chinese national sa decision-making ng pamahalaan ay kabaligtaran ng iginigiit na independent foreign policy ng administrasyon.

Kumbinsido din ang kongresista na nagsinungaling at may itinatago ang Malacañang matapos ding itanggi at kalauna’y inamin ang pagkakatalaga kay Yang sa gobyerno.

Facebook Comments