Manila, Philippines – Bagama’t suportado, pinangangambahan ni dating health Secretary Janette Garin na baka maabuso ang paggamit ng medical marijuana.
Ayon sa dating kalihim, maaaring gamitin lang ang ilang mga doktor para magamit ang Marijuana sa recreation at hindi bilang gamot.
Kabilang umano sa mga halimbawa nito ay ang mga pekeng admission at mga diagnosis ng mga sakit para mabigyan ng pahintulot ang isang nagpapanggap na pasyente na makagamit ng marijuana.
Dagdag pa niya, dapat ay maging handa ang gobyerno sa pagpapatupad ng marijuana bilang gamot bago ito maisa-batas
Aminado rin naman si Garin na hindi maaaring ipagkait ang marijuana sa mga dumaranas ng malulubhang sakit na tanging ito lamang ang lunas.
Facebook Comments