Amerika – Pinangangambahang humina ang allied defenses ng Estados Unidos at South Korea kasunod ng desisyon ni US President Donald Trump na itigil na ang war games ng dalawang bansa.
Ayon kay dating US Defense Sec. Chuck Hagel – tila minaliit ni Trump ang komplikasyon ng kanyang desisyon.
Para naman kay Sen. John Mccain, Chairman ng Senate Armed Services Committee – pinapahina ng suspensyon ng Joint Military Exercises ng dalawang bansa ang seguridad ng Estados Unidos.
Sa kabila nito, tiniyak ni Secretary Of State Mike Pompeo sa mga kaalyadong bansa ng Amerika na mananatiling buo at mahigpit ang kanilang security committments.
Facebook Comments