NANGANGAMOY BALIKAN? | Angelica Panganiban, niyayang mag-date ni Carlo Aquino

Manila, Philippines – Inamin ng aktres na si Angelica Panganiban na niyaya siyang mag-dinner ng ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino.

Say ni Angelica, wala namang masama kung makikipag-date siya kay Carlo dahil pareho naman silang single ngayon.

Kaya nang tanungin kung papayag, “oo!” agad ang sagot ng aktres.


Sa isang late-night show, matatandaang sinabi ni Angelica na naging matalik silang magkaibigan ni Carlo matapos ang kanilang break-up.

Sa hiwalay na episode, una nang sinabi ni Carlo na posibleng sila pa rin ngayon ni Angelica kung naging mature lang siya noong magkarelasyon pa sila.

Anim na taong naging magkasintahan sina Carlo at Angelica.

Facebook Comments