NANGANGAMOY BALIKAN? | Shaina Magdayao, nagpaliwanag sa “intimate” photo nila ni Piolo Pascual sa Berlin

Manila, Philippines – Usap-usapan na naman sa mga fans sina Shaina Magdayao at Piolo Pascual o tambalang #ShaiLo.

Trending kasi sa Showbizlandia ang larawan nilang magkayakap, na nai-post sa Instagram account ng Film Development Council of the Philippines sa red carpet ng “Ang Panahon ng Halimaw” sa 68th Berlin International Film Festival last week.

Say ni Shaina sa isang interview, nagulat siya nang makita si Papa P kaya napayakap siya rito dahil sinabi kasi nito sa kanya na hindi siya makakasunod sa Berlin.


Pero alam na pala ito ng kanilang grupo na nandoon ang aktor, ano ito may pasurprise si Mayor.

Sina Shaina at Piolo, bida sa pelikulang ito na idinirek ni Lav Diaz.

Sa ngayon, bagama’t tikom ang dalawa sa estado ng kanilang relasyon, mapapansin na inseparable ang dalawa o hindi mapaghiwalay.

Facebook Comments