NANGANGANIB | 130,000 mga bata sa UK, posibleng walang matuluyan ngayon Pasko

Isa sa bawat isandaan at tatlong bata sa United Kingdom ang walang tirahan sa darating na kapaskuhan.

Base sa isang pag-aaral hinggil sa housing crisis sa bansa, lumalabas na mahigit 130,000 na mga bata ang apektado ng kawalan ng bahay na matitirhan.

Mahigit doble ang itinaas ng bilang mula sa 50,000 na mga “homeless children” noong 2013.


Ayon pa sa Homeless Charity Shelter, sa isang eskuwelahan sa Great Britain lima sa mga mag-aaral ay walang tirahan.

Pinakamataas ang kaso sa London kung kada paaralan ay may 28 homeless children.

Ayon pa sa shelter, dapat gawan ng aksyon ng gobyerno ang lumalalang problema sa pabahay dahil isang henerasyon na ang apektado nito.

Facebook Comments