NANGANGANIB | Aabot sa 10 miyembro ng PDP-Laban, nanganganib na mapaalis

Manila, Philippines – Nanganganib na maalis sa partidong PDP-Laban ang nasa lima hanggang sampu miyembro nito dahil sa pagdalo sa hindi otorisadong pulong at eleksyon noong nakaraang linggo.

Ayon kay Senador Koko Pimentel, lima ang kilala niyang miyembro ng PDP-Laban ang dumalo sa nasabing pulong habang sampu ang naitala ng kanilang partido.

Matatandaang noong Biyernes nagdaos ng convention at eleksyon sa amoranto stadium sa Quezon City ang mga nagpakilalang lihitimong miyembro ng PDP-Laban.


Dito ay pinalitan si Pimentel bilang pangulo ng partido gayundin si dating House Speaker Pantaleon Alvarez bilang Secretary General.

Facebook Comments