NANGANGANIB | Aso sa Columbia, may patong sa ulo ng mahigit tatlong P3-M

Columbia – Dahil sa galing sa kaniyang serbisyo nanganganib ngayon ang buhay ng isang aso sa Columbia.

Sa dami kasi ng nakulong at nasabat na droga ng asong si Sombra nilagyan na siya ng patong sa ulo na 70,000 Us dollar o P3.7 milyon ng isang sindikato ng droga doon.

Aabot lang naman sa 245 na mga drug addict ang nakulong dahil kay Sombra habang siyam na toneladang cocaine na ang nasabat ng mga otoridad dahil sa kanya.


Kaya naman para masigurado ang kaligtasan ni Sombra ay binigyan na siya ng sariling police escort.

Nabatid na dalawang K-9 medals of courage na ang naigagawad kay Sombra para sa kanyang serbisyo at posibleng madagdagan pa ito ng isa ngayong taon.

Facebook Comments