Manila, Philippines – Nagbabala ang ilang eksperto sa patuloy na pang-iinsulto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos.
Ayon kay Father Ranhilio Aquino, ng San Beda Graduate School of Law, nanganganib na talikuran si Duterte ng mismong mga taga-suporta niya dahil hindi na kayang sikmurain ang mga pambabatikos na ito.
Giit ni Aquino, walo sa bawat 10 Pilipino ay katoliko at karamihan sa milyon-milyong bumuto kay Duterte ay kabilang din sa relihiyong ito.
Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC) na lubos silang nasaktan sa anila ay pang-iinsulto ng Pangulo sa kanilang pananampalataya.
Babala ng grupo, puwedeng magdulot ng gulo ang hindi pagrespeto sa relihiyon.
Facebook Comments