Manila, Philippines – Nangangamba si Jay Meloto President ng Philippine Society of Management Services na may hawak na Service Contracting na marami sa kanilang mga miyembro ang mawawalan ng trabaho sa Executive Order o EO na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ginanap na presscon sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Meloto na umaabot sa 11 na mga miyembro na mayroong 50 libo na mga empleyado sa buong bansa na posibleng mawawalan ng hanapbuhay dahil sa Executive Order na pinirmahan ng pangulo kahapon sa Cebu.
Paliwanag ni Meloto na aminado sila na talamak din ang mga service contractor na nag aabuso kaya masusi nilang pinag-aaralan kung ano ang kanilang gagawing hakbang upang maitama at mawala ang kurapsyon o pang aabuso sa mga service contractor.
Giit ni Meloto pawang mga Professional ang kanilang mga hawak na tao kaya nag-alala sila sa pinirmahang Executive Order ng pangulo na posibleng malaking epekto sa kanilang mga miyembro dahil sa matutuldukan na nito ang ENDO o End of Contract.