Manila, Philippines – Muling isinailalim sa yellow alert status ang Luzod grid sa ikat-apat na sunod na araw.
Mula alas dose ng tanghali hanggang alas-kwatro ng hapon, manipis ang reserba ng kuryente.
Base sa report, hindi bababa sa limang power plants ang hindi nakakapagbigay ngayon ng kuryente sa Luzon grid.
Apektado din ang mainit na panahon ang hydro-electric plants dahil sa mababang lebel ng tubig sa mga dam na nagpo-produce ng kuryente.
Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, kapag hindi nagbago ang panahon at maubos ang reserba sa luzon grid posible nang magpatupad ng rotational brownout schedule.
Pero sabi ng Energy Secretary Alfonso Cusi, walang dapat ikabahala sa suplay ng kuryente.
Samantala ngayon palang, inabisuhan na ng Meralco ang kanilang mga customer na may malalaking demand gaya ng mall at pabrika na maghanda ng gamitin ang kanilang mga generator.