NANGANGANIB NA URI NG PAWIKAN, PINAKAWALAN SA CAGAYAN

Cauayan City – Pinakawalan sa karagatan na bahagi ng Gonzaga, Cagayan ang isang endangered species ng pawikan na kilala bilang green sea turtle.

Batay sa ulat mula sa DENR Region 2, hindi sinasadyang nalambat ng isang mangingisda ang pawikan habang kasalukuyan itong nangingisda sa baybayin na bahagi ng Gonzaga.

Nang suriin ng mga awtoridad ang pawikan, napag-alamang mula pa ito sa Sandakan, Sabah, Malaysia base sa “tag” na nakakabit sa kaliwang palikpik nito.


Samantala, bago tuluyang pakawalan ang naturang pawikan, siniguro ng mga awtoridad na nasa maayos itong kalagayan.

Facebook Comments