Manila, Philippines – Namemeligro na ang suplay ng tubig sa ilang lugar sa Luzon dahil umabot na critical level ng tubig sa La Mesa dam.
Sumadsad na kasi sa 72 meters ang lebel ng tubig sa La Mesa dam.
Kapag bumaba pa ito sa 69 meter level, maari nang maapektuhan ang suplay ng tubig sa eastern part ng Metro Manila kabilang na sa Rodriquez at San Mateo sa Rizal gayundin sa Marikina, Pasig at Taguig.
Dahil dito, mahina tuwing gabi hanggang madaling araw ang pressure ng tubig sa ilang area na siniserbisyuhan ng Manila water.
Habang aabot naman sa 310,000 customers ng Maynilad ang nawawalan ng tubig sa gabi dahil hindi pa rin bumabalik sa normal ang kanilang water reservoir o animnapung poryentong imbak na tubig mula sa angat dam.
Payo ng dalawang water concessionaires sa publiko, magtipid sa paggamit ng tubig.