NANGATWIRAN | DOE, nagpaliwanag sa magkakaibang presyo ng petroleum products sa bansa

Manila, Philippines – Nangatwiran ang Department of Energy (DOE) sa magkakaibang presyo ng produktong petrolyo sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa DOE kumpetensya ang pangunahing dahilan kung kaya at magkakaiba ang presyuhan ng petroleum products.

Paliwanag ng ahensya kung marami ang gasolinahan sa isang lugar mas magiging mababa ang presyo.


Maliban pa dito ang operating cost tulad na lamang ng renta at pasahod sa mga tauhan ng gasoline station.

Sa pinakahuling price watch naglalaro sa P47- P59 ang presyo ng kada litro ng gasolina dito sa Metro Manila.

Pero sa Baguio City, sumirit na sa mahigit P63 ang kada litro ng gasoline.

Facebook Comments