Manila, Philippines – Umapela ang Grab Philippines sa LTFRB na ibalik ang dalawang pisong kada minutong travel time.
Katwiran ng Grab, labag sa equal protection clause sa ilalim ng saligang batas ang suspensyon sa kanilang travel charge.
Anila, nakinabang sa suspensyon ng travel charge ang ibang transport network companies dahil lumipat sa kanila ang ilang driver at operator ng Grab.
Pinapayagan kasi ng ahensya ang ibang tnc na magpatong ng per minute charge.
Matatandaang sinuspinde ng LTFRB ang P2 per minute travel charge ng Grab habang ini-imbestigahan nito ang akusasyon ni PBA Party-list Rep. Jericho Nograles hinggil sa illegal charges ng TNC.
Facebook Comments