Nanggahasa at Pumatay sa 14 Anyos na Dalagita, Kabitbahay Pala!

1662

Cauayan City, Isabela – Sumuko na ang suspek sa nangyaring panghahalay at pagpatay sa 14 anyos na dalagita sa Pacac Pequeño, Amulung, Cagayan.

Ito ang napag-alaman ng 98.5 iFM Cauayan sa panayam kay PCapt Alberto Florentino, OIC ng PNP Amulung, Cagayan.


Nakilala ang suspek na si Gilbert Datuelo y Pascual, edad 41, may asawa, kapitbahay ng biktima at may dalawang anak na isang babae at lalake na nasa high school pa lamang.

Sumuko ang suspek kagabi, Oktubre 18, 2019 kay Punong Barangay Sotero Maguddayao ng Pacac Pequeño sa naturan ding bayan.

Sa pagsasalaysay ni PCaptain Florentino, umalis sa barangay ang suspek noong araw ng Miyerkules at nagtungo ito sa karatig lugar ng Balagan, Sto Nino, Cagayan. Iniwanan ang mga anak sa kapatid kasabay ng tagubilin na sila muna ang bahala sa kanila.

At sa ilang araw na pagsisiyasat ng PNP Amulung ay natakot ang suspek at nagtapat siya sa kanyang kapatid at nagpasabi na siya ay susuko sa kanilang barangay kapitan. Ginawa umano ang pagtatapat dahil hindi ito nakakatulog sa gabi.

Isinalaysay suspek sa ginawang panayam ni PCapt Florentino ay nagpasama daw sa kanya ang dalagita dahil mayroon umano silang pupuntahan ngunit nang sila ay mapadako sa lugar na walang katao tao ay nademonyo ito at ginahasa ang biktima.

Pagkatapos ang panggagahasa ay sinabi ng biktima na siya ay magsusumbong kaya sinakal na niya ito at itinali sa isang maliit na kahoy sa maisan.

Facebook Comments

From Advertisers