NANGGULPI| MMA champion, pinaghahanap ng isang notorious gang

World – $900K na patong sa ulo ni Mixed Martial Arts two weight division champion Conor McGregor ikinasa umano ng Irish Mob.

Dahil umano sa pang-gugulpi sa isang mataas na lider ng isang notorious na gang sa Ireland, nalalagay sa peligro ngayon ang buhay ni two-weight division MMA champion na si Conor McGregor.

Ayon sa mga ulat, magbibigay umano ng $900,000 o 45 million pesos ang Kinihan Gang sa sinumang makakapatay sa UFC champion.


Nag-ugat ang gulo matapos sapakin at gulpihin ni McGregor si Graham “The Wig” Whelan sa isang Pub kamakailan pati ang ama umano ni Whelan ay nasaktan din ni McGregor sa gulo.

Dahil dito nais gumanti ng mga gangster laban kay McGregor.

Facebook Comments