NANGHABLOT? | 2 criminology student, dinampot ng pulis matapos mang-snatch sa Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang criminology student matapos hablutin ang cellphone ng isang dalagita sa Sampaloc, Lungsod ng Maynila kagabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Jerickson Sajun at Elmer Caspe na halos walang maipakitang mukha sa mga pulis habang sila ay inaatesto.

Ayon sa 15-taong gulang na biktima na si alyas Jenny, bigla na lang hinablot ang kanyang cellphone sabay takas ang mga suspek gamit ang motorsiklo.


Agad naman nakapag sumbong ang biktima sa mga otoridad.

Sa tulong ng CCTV camera nasundan ang dalawang snatcher na estudyante.

Samantala sinabi ni Chief Inspector Marlon Mal-Yorca ng Manila Police District Station 3, makakaapekto ang ginawa ng dalawang criminology student sa career nila sa pagpupulis.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong robbery snatching.

Facebook Comments