Kinatigan ng katas-taasang hukuman ang resolusyon ng commission on elections na sampahan ng paglabag sa omnibus election code si Mayor Angeles Carloto ng Tampilisan, Zamboanga del Norte.
Ibinasura kasi ng korte suprema ang petisyon ni Carloto laban sa Comelec.
Kasama ni Mayor Carloto na kinasuhan ng COMELEC sina Police Chief Inspector Roldan Molate, Senior Inspector Alexis Bahunsua at anim pang police officers at sampung iba pang indibidwal.
Kaugnay ito ng paglabag sa section 261-e ng omnibus election code o panghaharas.
May 2016 nang arestuhin ng mga pulis ang kalaban ni Carloto sa pagkamayor na si Alson Chan at ikinulong ito sa PNP Provincial Office.
Sa reklamo ni Chan, iginiit nito na dahil sa pagdetain sa kanya ng mga pulis, hindi sya nakapagkampanya dahilan kaya siya natalo noong 2016 election.