Manila, Philippines – Muling ipinagpaliban ng Korte Suprema ang vote recount sa mga balota ng tatlong probinsyang ipinoprotesta ni dating Senator Bongbong Marcos na umano ay nagkaroon ng dayaan noong 2016 elections. Ayon sa legal counsel ni Marcos na si Atty. George Garcia – nakatakda sanang gawin ang manu-manong pagbibilang ng mga balota sa Lunes (Marso 19) pero inilipat ito sa Abril a-dos. Dagdag pa ni Garcia – nanghihinayang sila dahil naantala muli ang vote recount. Pero giit ng Presidential Electoral Tribunal (PET), 42 lang mula sa 50 revisors ang nakapasa sa psychological exam. Sinabi naman ng legal counsel ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Beng Sardillo – tiwala silang sa ipatutupad na proseso upang maalis ang lahat ng agam-agam sa kung sino ang tunay na nanalo bilang Bise Presidente sa nakaraang eleksyon.
NANGHIHINAYANG | Vote recount sa mga balota, muling ipinagpaliban
Facebook Comments