Manila, Philippines – Ikinalungkot ni Committee on Education Chairman Senator Francis Chiz Escudero ang pagbibitiw ni Commission on Higher Education o CHED chairperson Patricia Licuanan.
Para kay Escudero, naging maayos naman ang trabaho ni Licuanan sa CHED.
Nanghihnayang din si Escudero sa mga reporma na ipinatupad ni Licuanan sa ahensya.
Gayunpaman, nirerespeto ni Escudero ang pasya ni Licuanan.
Umaasa si Escudero na magiging matagumpay si Licuanan sa mga plano nito sa hinaharap.
Facebook Comments