Manila, Philippines – Posibleng ipatawag sa pagdinig ng kamara si Special Assistant to the President Bong Go at iba pang sangkot sa maanomalyang pagbili ng war ship ng Philippine Navy.
Ayon kay Magdalo Partylist Rep. Gary Ajelano, may mga nakuha siyang dokumentong na nangialam si Bong Go sa Philippine Navy Frigate Acquisition Project na may pondong aabot sa 15.7 bilyong piso.
Sa isang pahayag, mariing itinanggi ni Go na may kinalaman siya sa mga biniling gamit ng Navy.
Aniya, hindi niya nakita ang dokumentong sinasabing galing sa kaniya.
Handa naman aniya siyang magbitiw oras na mapatunayan na sangkot siya sa transaksyon na panahon pa ng Aquino administration naayos.
Facebook Comments