NANGMOLESTIYA? | Obispo sa Honduras, nagbitiw sa pwesto

Hawak na ni Pope Francis ang resignation letter ng isang obispo sa Honduras inakusahan ng sexual misconduct.

Dahil dito, ipinag-utos ng Santo Papa ang imbestigasyon kay Tegulcigalpa Auxiliary Bishop Juan José Pineda Fasquelle na inireklamo ng pangmo-molestiya ng mga seminarista noong nakaraang taon.

Nabatid na si Pineda ay top deputy ni Cardinal Oscar Rodriguez Maradiaga ng Honduras.


Sinasabing iniiwan ni Maradiaga kay Pineda ang pangangasiwa sa archdiocese dahil sa mga obligasyon nito bilang cardinal.

Facebook Comments