Nangmolestya ng menor de edad sa Maynila, arestado!

Rehas na ang hinihimas ngayon ng 35-anyos na si Jonathan de Vera, isang construction worker at residente ng Barangay Abad Santos, Tondo, Manila.

Si de Vera ay nakapiit sa Manila Police District (MPD) Malate station 9 makaraang molestyahin umano ang isang 15-anyos na dalagita.

Base sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa loob ng Deep Blue Computer Shop, sa bahagi ng Dominga St., Malate, Manila.


Naglalaro umano ang biktima noon sa internet ng tabihan ito ng suspek at bigla na lang himasin ang maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Nagsisigaw ang biktima kaya agad itong sinaklolohan ng mga tao sa nabanggit na lugar para bitbitin ang suspek sa presinto.

Facebook Comments