NANGONGONTRATA | Mga puting taxi, posibleng ipagbawal na sa mga paliparan sa Maynila

Manila, Philippines – Posibleng pagbawalan na sa mga sa mga paliparan ng
Maynila ang mga puting taxi.

Ito ay dahil sa mga reklamo ng ilang pasahero ng airport hinggil sa talamak
na pangongontrata ng ilang taxi drivers na mahigpit na ipinagbabawal ng mga
awtoridad.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed
Monreal, pinag-aalan na nila kung ano ang dapat gawin sa mga puting taxi
pero hindi naman daw lahat ay apektado nito.


Nais lang ni Monreal na mabigyan ng leksiyon ang mga pasaway na taxi
drivers kung saan wala naman daw silang problema pagdating sa mga Transport
Network Vehicle Service tulad ng Grab at Uber.

Sa huli, sinabi pa nito na all set na din ang ginagawa nilang paghahanda sa
Semana Santa at huwag daw mabahala ang mga pasahero sa ginagawang security
check-up.

Facebook Comments