Manila, Philippines – Pinangunahan ni DOTr Sec. Arthur Tugade ang pamamahagi ngayong araw ng motor vehicle plates dito sa punung tanggapan ng Land Transportation Office.
Ayon kay Land Transportation Office Chief Edgar Galvante, Lahat ng plate number ng motor vehicles na pinarehistro noong Hulyo 2016 ay maibibigay na sa mga automotive dealers at vehicles owners sa iba’t-ibang panig ng bansa .
Sinabi pa Galvante, ang mga plaka para sa mga susunod na buwan ng 2016 ay ibinebiyahe na rin sa Regional Offices ng Lto para sa distribution sa mga Authorized District Office o di kaya ay sa mga dealers .
Dumalo sa ceremony si DOTr Sec. Arthur Tugade, maging si Special Assistant to the President Bong Go, dumalo din si LTFRB Chairman Martin Delgra.
Sa datus ng lto 231,332 pares ng motor vehicle plates ang nagawa na ng LTO Plate Making Plant mula nang pasimulan ito noong Abril.
Ipinagmalaki ni Tugade na ang kontrobersyal na problema dahil sa kawalan ng plaka noong nakalipas na administrasyon ay naresolba na sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte.