NANGUNA | DPWH, nangungunang ahensyang may pinakamaraming reklamo ng korapsyon

Manila, Philippines – Nanguna ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa listahan ng mga ahensya ng gobyerno na may pinakamaraming reklamo ng korapsyon.

Ito ay base sa inilabas na listahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Ayon sa PACC – aabot sa higit 400 reklamo ang kanilang natatanggap ngunit 59 lamang dito ang mayroong kumpletong dokumento at testimonya.


Sumunod naman sa may pinaka-inirereklamo na may kaugnayan sa korapsyon ay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Finance (DOF) partikular ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang Bureau of Customs (BOC).

Nakasama rin sa listahan ang National Commission on Indigenous People, Department of Agriculture (DA), Department of Transportation (DOTr) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Facebook Comments