NANGUNA | Ilang ‘Negosyo Centers’ ng DTI binigyang pagkilala

Apat na ‘Negosyo Centers’ sa Negros Occidental ang kinikilala bilang top performing facilities o mga nangungunang pasilidad ng bansa ayon sa Negosyo Center Monitoring System ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon sa DTI ang pagkakasama ng apat na pasilidad sa listahan ay isang patunay na ang mga ‘Negosyo Centers’ sa mga lalawigan ay mahusay na nailapit ang mga serbisyo ng ahensiya sa mga stakeholder.

Ang mga ‘Negosyo Center’ ay matatagpuan sa mga lungsod ng Bacolod, Kabankalan, Victorias at bayan ng Hinigaran, ay kabilang sa top 50 centers, batay sa bilang ng mga kliyente na tinulungan at Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) na napagsilbihan mula Enero hanggang Hulyo 2018.


Layon ng proyekto na ilapit ang gobyerno sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa mga lalawigan upang matiyak ang kanilang paglago at lumikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho.

Iniuutos sa ilalim ng batas na ang lahat ng lungsod at munisipalidad ay dapat magkaroon ng ‘Negosyo Centers’.

Ito ang pangako ng DTI para sa patuloy na paglago ng maliliit na negosyo sa buong bansa upang mapadadali ang pagpaparehistro at pagsisimula ng negosyo ng isang entrepreneur at lumikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho.

Facebook Comments