Nangunguna ang India sa pinakamapanganib na bansa sa buong mundo para sa mga kababaihan.
Base sa survey ng Thomson Reuters Foundation, ang India ang ‘most dangerous country’ para sa sexual violence against women, human trafficking for domestic work, forced labor, forced marriage at sexual slavery.
Ang India rin ang pinakadelikadong bansa sa buong mundo para sa cultural traditions na malaki ang impact sa mga kababaihan partikular ang acid attacks, female genital mutilation, child marriage at physical abuse.
Narito ang listahan ng word’s most dangerous countries for women:
1. India
2. Afghanistan
3. Syria
4. Somalia
5. Saudi Arabia
6. Pakistan
7. Democratic Republic of Congo
8. Yemen
9. Nigeria
10. United States
Facebook Comments