NANGUNA | Mga Pinoy, nangunguna sa may pinakamahabang oras ng panonood sa adult streaming website

Pinakamatagal mamalagi sa sikat na adult streaming website na Pornhub ang mga Pilipino.

Base sa kanilang 2018 review, nangunguna ang Pilipinas sa top 10 ng mga bansang nanonood sa kanilang website araw-araw.

Nasa 13 minuto at 50 segundo ang tagal ng panonood ng mga Pilipino sa kanilang website.


Ito na ang ika-limang sunod na taon na nanatiling nangunguna ang Pilipinas sa listahan.

Inilista rin ng Pornhub ang mga ‘search terms’ na madalas hinahanap ng mga Pilipino, gaya ng ‘Pinay’, ‘Japanese’, ‘Maria Ozawa’, ‘Asian’, at ‘Anime Hentai’.

Bukod sa Pilipinas, sumunod sa ikalawang pwesto ang South Africa, na sinundan ng Estados Unidos, Ukraine, Canada, United Kingdom, France, Argentina, Netherlands, Australia, Poland, Germany, Sweden, Mexico at Italy.

Facebook Comments