NANGUNA | Senators Poe, Villar – nagpasalamat sa resulta ng survey ng RMN

Manila, Philippines – Ipinagpasalamat nina Senators Grace Poe at Cynthia Villar ang kanilang pangunguna sa ‘Nationwide 2019 Election Survey’ na isinagawa ng Radio Mindanao Network o RMN.

Sa nabanggit na survey ay nanguna si Senator Poe na nakakuha ng 72 percent na suporta mula sa 3,382 respondents habang pumangalawa naman si Senator Villar na nakakuha ng 56.2 percent.

Diin ni Senator Poe, importante na nakukuha ng makatotohanang survey ng RMN ang tunay na pulso ng taumbayan.


Para kay Poe, ang kanyang pangunguna sa survey ay nagpapakita ng tiwala at suporta sa kanya ng mamamayan kaya dapat lang na ipagpatuloy pa nya ang kanyang pagtatrabaho.

Facebook Comments