NANGUNA | Zamboanga Peninsula, numero uno sa rice smuggling sa buong bansa – BOC

Mindanao – Tinaguriang numero uno sa rice smuggling ang Zamboanga Peninsula sa buong Pilipinas, ito ang tahasang sinabi ng opisyal nang Bureau of Customs, noong nakaraang araw sa turn over ng limampu’t libong sakong smuggled rice.

Sinabi ni Custom Intelligence Division and Investigation Director Adzhar Albani, ang Zamboanga Peninsula ang pinakamatunog na pangalan pagdating sa rice smuggling dahil halos lahat dito idinadaan ang mga bigas at ilang smuggled items.

Kung kaya’t lumikha sila ng Multi-Agency Task Force na sangkot ang ilang ahensya ng mga gobyerno ng sa gayon masugpo itong rice smuggling.


Matatandaan nasamsam ng Philippine Coastguard (PCG) ang limampu’t libong sakong bigas na may 50 kilos sa M/V Phia galing Cagayan De Oro sa Olutangga, Zamboanga Sibugay noong nakaraang araw at walang sapat na dokumento na nagkakahalaga ng 125 milyon pesos.

Inamin ni Albani na mga malalaking personalidad na may koneksyon sa gobyerno ang nagmamay ari ng mga smuggled rice at naging madali ang pagpasok nito sa Lungsod ng Zamboanga dahil sa pagbibigay ng lagay.

Samantala nagbigay ng babala ang Custom Commissioner Isidro Laspeñas sa mga kawani ng ilang ahencia katulad ng Bureau Of Customs dito sa rehiyon na kung may naghihingi man ng mga lagay kailangan na nila ito itigil dahil hindi niya ito sasantuhin.

Facebook Comments