Nangunguna pa rin ang China sa bansang pinagmumulan ng iligal na droga.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.
Aniya nakakalungkot pero maraming mga indikasyon na nanggaling sa China ang mga kumakalat na iligal na droga sa bansa.
Hindi lang aniya PNP ang nagsasabi nito maging ang PDEA ay kinukumpirma ang impormasyong ito.
Maging ang mga narerekober aniya na iligal na droga ng Bureau of Customs (BOC) ay natutukoy na galing ito sa China.
Batay sa huling datos ng PNP ay umabot na sa 21.48 billion pesos ang nakukumpisang iligal na droga ng PNP at PDEA.
Ito ay mula July 1, 2016 hanggang July 31, 2018.
Facebook Comments