Nangungunang kompanya sa Solar Technology at Innovation sa Amerika, maglalagak ng $900 milyon Solar Energy sa Pilipinas

Target ng isang nangungunang kompanya sa Solar Technology at Innovation dito sa Amerika na palawakin at maglagak ng $900 milyon na solar energy sa bansa.

Ito ang inanunsyo ni Maxeon chief executive officer Bill Mulligan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagpupulong sa Blair House sa Washington D.C., United States of America.

Plano kasi ng Maxeon na palawakin pa ang investment sa Pilipinas.


Sinabi ng opisyal, nasa 3,000 na trabaho ang inaasahang malilikha sa mga susunod na taon.

Ang Maxeon ay nag-ooperate sa SunPower brand, mayroon itong global markets gaya sa Amerika, Canada, Japan, Malaysia at Mexico.

Ayon kay Mulligan, malaki ang tiwala ng kanilang kompanya sa pamumuno ni Pangulong Marcos.

Dagdag pa niya, uumpisahan na ng kanilang hanay ang expansion sa research and development (R&D) facility sa Cavite na makapagbibigay ng 2,000 na engineering jobs.

Taong 2003 pa may operasyon ang kompanya sa bansa, nang buksan ang unang factory sa Laguna Technopark sa Biñan City.

Nag-ooperate ang kompanya sa ilalim ng pangalan na Sunpower Philippines Manufacturing Ltd. at mayroong pitong proyekto sa Biñan kabilang na sa manufacturing, IT at Logistics activity.

Nasa 1,000 na trabaho sa skilled local workforce of managers at solar engineers.

Kasama ng pangulo sa meeting sina dating pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Speaker Martin Romualdez, Trade Secretary Alfredo Pascual, Finance Secretary Benjamin Diokno, Special Assistant to the President Secretary Antonio Ernesto Lagdameo Jr., Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, at Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo.

Facebook Comments