Nangyari kina dating Health Sec. Francisco Duque III at dating PS-DBM Usec. Lloyd Christopher Lao, magsilbing babala sa ibang tiwaling opisyal – Sen. Hontiveros

Pinayuhan ni Senator Risa Hontiveros ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan na magsilbing babala sa kanila ang nangyari kina dating Health Secretary Francisco Duque III at dating PS-DBM Usec. Lloyd Christopher Lao na pinasasampahan ng kasong graft ng Office of the Ombudsman.

Ang pagsasampa ng kaso sa dalawang dating opisyal ay kaugnay sa iligal na paglilipat ng Department of Health (DOH) ng pondong ₱41 billion sa PS-DBM na pinambili ng COVID-19 supplies.

Ayon kay Hontiveros, dapat na magsilbing babala sa mga tiwali sa gobyerno na tulad kina Duque at Lao ay bilang na rin ang kanilang mga araw.


Ikinalugod ng senadora na hindi nauwi sa wala at nagbunga ang ginawa nila ni dating Senator Richard Gordon na imbestigasyon sa Senado patungkol sa iregularidad na pagbili ng mga medical supplies para sa COVID-19.

Sinabi pa ni Hontiveros na ang kautusan ng Ombudsman ay tagumpay ng mga Pilipino na niloko, naghirap at pinagkasya ang limitadong ayuda sa gitna ng pandemya dagdag pa ang mga healthcare workers na nagtiis sa delayed na special allowance at hazard pay.

Facebook Comments