Nangyari sa employment site ng PNP data leak, hindi data breach ayon sa DICT

Hindi na-hack sa halip data leak, ang nangyari sa employment portal ng Philippine National Police (PNP).

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Information and Communications and Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na batay sa inisyal nilang imbestigasyon, nagbukas ng employment portal o application recruitment site ang PNP kung saan pwedeng mag-apply ng trabaho sa PNP.

Pero ayon kay Uy, walang security features ang portal o site kaya nakatiwangwang lamang aniya ito sa kahit kaninong bibisita sa portal kung saan mababasa o makikita ang lahat ng impormasyon ng aplikante.


Kaya ayon sa kalihim, walang katotohanan ang lumabas na ulat na sinasabing may malawakang pangongopya ng data sa mga ahensya ng pamahalan.

Sinabi ni Uy, sinulatan na nila ang PNP at ipinaalam na nakatiwangwang ang kanilang sistema kaya kailangan nila itong isarado para hindi makita ng impormasyon ng mga nag-apply sa nasabing site.

Facebook Comments