Tinalakay ngayon sa regular session sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang nangyaring irregularities umano sa pagpasa ng annual budget para sa kasalukuyang taon na nagkakahalaga ng 1.3B pesos.
Iginiit ng Majority Block na kinabibilangan ng pitong konsehal na mali ang naging pamamaraan sa pagpasa ng naturang budget at nakitaan umano ng paglabag sa mga umiiral na rules sa loob ng SP.
Isa na rito ang pagpapabilang ng naturang draft resolution sa agenda nang walang kabuuang botohan mula sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod maging ang hindi pagpansin ng presiding officer sa pagtutol ng mga konsehal sa maling proseso.
Muli ring iminungkahi ni Coun. Mejia ang mga matagal nang kinakailangang dokumento upang tuluyang maipasa ang annual budget tulad ng listahan ng Job Order Employees at Scholars, maging ang pamamalakad ng Scholarship Programa bagamat ayon kay Mejia ay hanggang ngayon, wala pa ring natatanggap ang mga ito.
Sa kabilang panig, kinakailangan na umano ng lungsod ang badyet upang matulungan ang mga Dagupeno sa mga programang nararapat na isulong upang mabenepisyuhan ang mga ito kaya’t ipinasa ang budget. |ifmnews
Facebook Comments