Nangyaring computer glitch na nadulot ng temporary airspace closure, iimbestigahan

Iniimbistigahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang nangyaring computer glitch sa air traffic management center ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, nag-umpisa ang glitch bandang 9:34 Martes ng umaga na nagresulta sa pagkaantala ng 30 arrivals at 51 departure flights sa lahat ng terminal ng NAIA.

Aniya, kinailangang ihinto ang operasyon para sa kaligtasan ng lahat at pag-implementa ng procedure.


Dahil dito, nagkaroon aniya ng pagbabago sa mga schedule ng domestic at international flights.

Agad namang naibalik sa normal ang operasyon sa arrival bandang 1:00 ng hapon.

Facebook Comments