Nangyaring gulo sa ginanap na ASEAN Music Festival sa Ayala Triangle, patuloy na iniimbestigahan

Manila, Philippines – Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Southern Police District sa nangyaring gulo kagabi sa ginawang Asean Music Festival sa Ayala Triangle Makati City.

Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Police Director Oscar Albayalde sa ngayon mga reports pa lamang ang kanilang natatanggap at wala pang inisyal na resulta ang imbestigasyon.

Inamin naman ni Albayalde na dahil sa maliit ng espasyo ng lugar at kawalan ng LED screens kaya sumobra ang tao sa loob ng Ayala Triangle at nagkagulo.


Batay naman sa ulat ni Dr. Gloria Balboa ng Department of Health 50 indibidwal ang naging biktima ng kaguluhan, walo dito ay nagtamo ng sugat sa kanilang katawan.

Habang 42 indibidwal ay nakaranas ng hirap ng paghinga, ni-nerbyos, at high blood pressure.

Wala namang naisugod sa ospital sa nangyari dahil nagamot agad ng mga rumespondeng rescue team ang 50 biktima.

Facebook Comments