Nangyaring misencounter sa pagitan ng pulis at militar sa Samar hindi makakaapekto sa relasyon ng PNP at AFP

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi magkakalamat ang relasyon nila sa Philippine National Police (PNP) matapos maganap ang misencounter kahapon sa Samar na ikinasawi ng 6 na pulis at pagkasugat ng syam na iba pa.

Ayon kay 8th Infantry Division Commander Major General Raul Farnacio nagtutulungan ngayon ang pulisya at militar sa pagsasagawa ng malalim na imbestigasyon upang matukoy ang punot dulo ng misencounter.

Kahapon una nang sinabi ni General Farnacio na nasa mataas na bahagi ng Sitio Lunoy, Barangay San Roque, Sta. Rita, Samar ang tropa ng Charlie Company, 87th IB, Philippine Army nang paputukan mga pulis na kabilang sa 1stPlatoon, 805th Company


Hinala ngayon ni General Farnacio maaring napagkamalang NPA ng mga kasamahan niyang sundalo ang mga pulis.

Aniya ilang araw na kasing nasa lugar ang mga sundalo dahil sa operasyon kontra NPA.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamunuan ng 8th Infantry Division sa mga pamilya ng mga napatay na pulis.

Kahapon agad na bumuo ang PNP Region 8 ng Special Task Force na tututok sa imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments