Inalis na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang posibilidad na nagkaroon ng cyber security glitch sa operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Enero 1.
Ayon kay DICT Sec. Ivan John Uy, lumabas sa kanilang imbestigasyon na electro mechanical malfunction ang nangyari na nagdulot ng pagpalya sa operasyon ng paliparan.
Aniya, patuloy pa rin ang kanilang cyber security investigation para maiwasan na magkaroon ng ganitong pagyayari sa hinaharap.
“We did discuss on the incident that happened last January 1, and so far from the cybersecurity aspect, there doesn’t appear to be any cyber-related incident that triggered the incident. It was basically an electromechanical malfunction that triggered the whole incident,” ani ni Uy.
Tiniyak din ni Uy na nagsasagawa na rin sila ng sariling system check para maiwasan ang anumang isyu sa software kasunod naman ng nangyaring glitch sa mga paliparan sa Estados Unidos at Canada.