Kung si Defense Sec Delfin Lorenzana ang tatanungin ay suicide bombing ang nangyaring pagsabog sa isang military camp sa Brgy. Tanjung Indanan Sulu.
Ayon sa kalihim malinaw na suicide bombing ang nangyari dahil bitbit ng dalawang nasawing suspek ang pinasabog na bomba sa bisinidad ng military camp.
Ang isa sa mga suspek aniya ay kumatok pa raw sa gate ng kampo at nang lapitan ng bantay na sundalo para alamin ang kanyang kailangan saka sumabog ang bomba kaya namatay rin sa pagsabog ang suspek.
Ibig sabihin aniya nito tumataas ang level of extremism sa bansa kaya kailangan nilang magpursige pa para mapigilan ang mga plano pang pambobomba.
Makikipagusap aniya sila sa mga commander sa ground, sa mga traditional leaders, sa mga Sultan at Datus lalo na sa Bangsamoro Region In Muslim Mindanao.
Naniniwala si Lorenzana na ayaw rin ng mga lider na ito ang mga gulo sa BARRM katulad ng pambobomba.
Sa pagsabog 8 ang namatay 3 sundalo, 3 sibilyan at 2 umanoy suicide bombers.