Walang inilabas na tsunami alert ang Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mga lugar na malapit sa tinamaan ng 7.3 magnitude na lindol kanina sa Davao Occidental.
Ayon sa PHIVOLCS, wala pang dahilan para maglabas sila ng tsunami advisory dahil patuloy pa nila itong inoobserbahan.
Hinikayat nila ang mga residente sa Davao Occidental na maging mapagmatyag at maging alerto anumang oras dahil sa mga aftershock.
Ilan sa mga palatandaan ng pagkakaroon ng tsunami ay ang kakaibang tunog ng karagatan at pagbaba ng normal sea level.
Alas-2:06 ng hapon kanina nang maitala ang episentro ng 7.3 magnitude na lindol sa lalim na 64 kilometro ng karagatan ng Sarangani sa Davao Occidental.
Facebook Comments