Nangyaring pananambang sa mga pulis sa Maguindanao, hindi makakaapekto sa ikinakasang usaping pangkapayapaan

Hindi makakaapekto sa peace process sa Mindanao ang nangyaring pananambang sa opisyal at miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Maguindanao.

Ito ay ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., na siyang National Peace Consciousness, Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation & Unity (OPAPRU).

Sa pahayag ni Galvez sa pagdalo nito sa Kapihan sa Manila Bay, “isolated case” palang ang nangyaring insidente.


Bagama’t aminado si Galvez na wala siya sa posisyon para magbigay ng pahayag kung ano talaga ang nangyari kung saan umaasa ang kalihim tulad ng pagtitiyak ng mga commanders na titignan kung ano ang mga ginagawa ng coordination offices.

Naniniwala rin si Galvez na mareresolba kaagad ang nangyaring pananambang.

Matatandaan na tinambangan ang hepe ng bayan ng Ampatuan sa Maguindanao kasama ang kaniyang tauhan habang patungo sa Barangay Kapinpilan upang isilbi ang arrest warrant laban kay Kamir Kambal, na wanted sa robbery at intimidation of persons.

Napatay sa ambush ang hepe na si Lt. Reynaldo Samson at kaniyang tauhan na si Cpl. Salipudin Endab.

Sugatan naman sina M/Sgt. Renante Quinilayo, Cpl. Rogelio dela Cuesta at Cpl. Marc Clint Dayaday sa insidente.

Facebook Comments