Nangyaring problema sa airport noong Bagong Taon, dapat may managot ayon kay Zubiri

Courtesy: Manila International Airport Authority | Facebook

Sisiguraduhin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na may mananagot matapos ang nangyaring problema sa airport noong Bagong Taon.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Zubiri na gusto niyang marining ang panig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) hinggil sa isyu.

Aniya, hindi siya papayag na walang magbabayad sa nangyaring kapalpakan ng CAAP dahil isang international embarassment ang nangyaring insidente.


Dagdag pa ng senador, dapat itrato na isang criminal investigation ang mangyayaring pagdinig sa Senado dahil hindi katanggap-tanggap ang naging dahilan ng CAAP.

Sinabi pa ni Zubiri na kailangan malaman kung anong nangyari at kung anong mga hakbang ang ginawa.

Giit ng Senate president na hindi sapat ang dahilan ng nagkaproblema lang kung saan dapat na malaman kung sino ang pumalpak at pagbayaran ito.

Mensahe namam ng senador sa posibleng masagasaan sa kanilang nakatakdang imbestigasyon na pasensyahan na lamang at nararapat lang nilang gawin ang trabaho para sa kapanakan ng taumbayan.

Facebook Comments